Free Seaman’s Book for First Time SIRB Applicants

MAGANDANG BALITA PARA SA ATING MGA SEAFARERS!

LIBRE na ang Seaman’s Book para sa ating mga kababayang seafarers na FIRST TIME kukuha nito!

Para naman sa mga may mag-rerenew, kayo ay makakatanggap ng 50% DISCOUNT sa pagkuha nito.

Tiyak na malaking halaga ang matitipid ng mga seafarers, kumpara sa dating P1,000 to P1,800 na presyo ng Seaman’s Book.

Ang programang ito ay inaprubahan ng Maritime Industry Authority (MARINA) Board, na ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ay magiging tulong para sa ating mga bayaning seafarers, lalo na ngayong may pandemya.

Source: MARINA